Ni Gilbert Espeña

NAPANATILI i ng 22-anyos na si Jade Bornea na malinis ang kanyang rekord nang talunin sa 10-round unanimous si undefeated Danrick Sumabong sa main event ng “Undefeated” fight card itong Sabado sa Glan, Saranggani Province.

Napaganda ni Bornea ang kanyang kartada sa perpektong 11 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts at naiuwi ang bakanteng WBO Youth super flyweight belt kaya maaaring pumasok sa WBO world rankings.

“Sumabong proved to be a tough nut to crack but ultimately fell short versus Bornea en route to tasting his first loss after starting his pro career with five straight wins,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naunsiyami naman ang pagbabalik aksiyon ni dating world rated super featherweight Harmonito dela Torre nang hindi dumating ang dapat niyang makakalaban na beteranong si Jovanny Rota kaya kinansela na lamang ni Sanman Promotions CEO Jim Claude Manangquil ang 10 rounds na sagupaan.

Nagpakitang gilas naman si Filipino journeyman Ernie Sanchez nang idispatsa sa 1st round si Noel Adelmita sa kanilang 10-round lightweight bout para makabawi sa dalawang sunod na pagkatalo sa Russia at Australia sa mga world rated boxers.