Ni Marivic Awitan

MAINIT ang naging panimula ng koponan ng Rain or Shine sa ginaganap na 2018 Honda PBA Commissioner’s Cup, at isa sa kadahilanan ay ang lideratong ipinapakita ng kanilang beteranong guard na si Chris Tiu.

ARM LOCKED! Tinawagan ng foul si Beau Belga ng Rain or Shine nang hilahin ang import ng Ginebra na si Charles Garcia sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Commissioners Cup nitong Linggo sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang Paint Masters, 108-89. (RIO DELUVIO)

ARM LOCKED! Tinawagan ng foul si Beau Belga ng Rain or Shine nang hilahin ang import ng Ginebra na si Charles Garcia sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Commissioners Cup nitong Linggo sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang Paint Masters, 108-89. (RIO DELUVIO)

Nagtala ang 32-anyos na si Tiu ng all-around game na may average na 14 puntos, 6.5 assists at 3.0 rebounds sa pagbubukas ng kampanya ng Rain or Shine sa unang dalawang panalo na kanilang ipinoste kontra Alaska at crowd favorite Barangay Ginebra upang mahirang bilang unang PBA Press Corps Player of the Week sa mid-season conference.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Umiskor ang dating Ateneo playmaker ng 18 puntos, 6 na assists at 3 rebounds upang makatulong ni import Reggie Johnson sa pangunguna sa paggapi nila sa Alaska, 109-103 sa overtime noong Biyernes.

Dalawang araw pagkatapos nito, muling sumiklab sa kanyang performance si Tiu at nagposte ng 10 puntos, 7 assists at 4 rebounds upang tulungan ang Elasto Painters sa paggapi sa Kings, 108-89.

Tinalo ng dating PBA Three-Point champion para sa lingguhang citation sina teammate Raymond Almazan, at sina TNT guards Jayson Castro, Terrence Romero at Jericho Cruz para sa parangal sa unang linggo ng second conference noong Abril 22-29.

Dahil sa panalo, nangingibabaw ngayon sa standings ang Rain or Shine na may markang 2-0.

Samantala, may dagdag na atraksiyon na magaganap sa darating na taunang PBA All-Star Week.

Magkakaroon ng isang special three-point shootout na magtatampok kina Senador Manny Pacquiao at Special Assistant to the President Bong Go sa kick off leg PBA All-Star Week.

Makakasama nina Pacquiao, ang dating playing-coach ng Columbian Dyip (kilala dati bilang KIA) at Go, si Presidential son-in-law at Atty. Mans Carpio sa nasabing special feature na gaganapin sa unang yugto ng mid-season spectacle na inihahatid ng Phoenix Fuel at Phoenix Pulse Technology bilang major sponsor sa Digos, Davao del Sur sa Mayo 23.

Magiging kakampi ng nabanggit na tatlong public officials sina PBA greats Allan Caidic at Kenneth Duremdes at Magnolia Pambansang Manok veteran Peter June Simon na tubong Makilala, Cotabato.