Ni Lyka Manalo

BATANGAS - Isang seaman ang pinaniniwalaang nagbaril sa sarili at isang poultry farm boy ang nagbigti sa magkahwialay na lugar sa Batangas.

Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office, unang natagpuan ang bangkay ni Ronel Salazar, 35, ng Barangay Palanca, San Jose, Batangas, na nakabitin sa punongkahoy sa isang poultry farm sa Bgy. Palanca.

Nadiskubre naman ang bangkay ni Pelibert Sanchez, Sr., seaman, sa Bgy. Sawang, Lobo, Batangas, dakong 5:30 ng madaling araw nitong Biyernes.

Probinsya

Piggatan bridge sa Cagayan, bukas na matapos bumagsak noong Oktubre

Depresyon ang sinisilip na motibo sa pagpapakamatay ni Sanchez.