Ni Jimi Escala

DAHIL sa ipinagbabawal na gamot ay naligaw ang showbiz career ni JM de Guzman. Pero binigyan siya ng second chance ng ABS-CBN via Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi.

jm copy

Kamakailan ay naaresto ang beteranong actor na si Julio Diaz sa isang buy-bust operation sa Bulacan, kaya hiningian namin ng reaksiyon si JM sa presscon ng nasabing serye niya tungkol dito na agad umiling.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tama lang ang sinabi ni JM na hindi niya alam kung nasa posisyon ba siya para magbigay ng opinyon o payo.

“Sa totoo lang, eh, hindi ko talaga alam kung nasa posisyon ako para magbigay ng advice pero basta humility lang to accept na merong problema and you need help,” banggit ng actor.

Dagdag pa ni JM, hindi dapat sinosolo ang naturang problema kundi dapat ay humingi ng ayuda sa mga taong makakatulong. Ang hangad lang daw ni JM para kay Julio ay magtuluy-tuloy ang recovery at huwag nang balikan ang naturang bisyo.

Namasdan ng showbiz industry people ang pagbabagong-buhay ni JM kaya muli siyang binigyan ng pangalawang pagkakataon ng ABS-CBN.

Samantala, kahit nasa kulungan ay patuloy pang napapanood sa seryeng Asintado si Julio Diaz. Ginampanan ni Julio ang papel na Melchor Gonzalez/ Ayon pa sa Dreamscape Entertainment Television ay nakatakda rin daw naman na mamatay ang naturang papel ni Julio.

“His character is meant to die in the series. Kaya lang second week of May pa ang death ng character niya. Marami pa kasing pondo ang show on Julio,” sey pa ng nakausap naming taga-Dreamscape.