Ni Jimi Escala
INAMIN ni Jed Madela na nakaranas siya ng depresyon ilang buwan na ang nakararaan.
Sa sobrang depresyong naramdaman, gusto na sana niyang sumuko sa maraming bagay na pinagdaanan niya.
“I guess I was surrounded by the wrong people, I’m reading a lot of negative things online, talagang nagkapatung-patong ang mga nasa isipan ko. Hindi kasi ako ang tipong maglalabas ng sama ng loob sa pagsasalita, siguro naipon talaga lahat,” pagtatapat ni Jed.
Noon niya pinag-isipan ang lahat at kung saan siya nagkamali.
“You really have to stop and assess your life. Kasi kung ginagawa mo ang isang bagay just for the heck of money or just because of work at hindi ka na happy, nakakadagdag siya sa depression and anxiety,” lahad ng magaling na mang-aawit.
Pakiramdam pala niya ay hindi na siya sikat kaya bihira na lang siyang napapanood sa telebisyon. Masyado nang limitado ang exposure niya sa ASAP.
“So, I felt unwanted and insignificant kasi hindi na nga ako sikat or hindi na nila ako kailangan. It was the fans who really made me feel better. They would message me saying na buo pa rin ang suporta nila sa akin,” kuwento pa ni Jed.
“Sa totoo lang, eh, I don’t want to call them fans, kasi nahihiya ako. They’re family to me, they are my friends. Sa ngayon, eh, okey na ako. I needed time to rest things. I needed to be sourrounded by the right people, by the right projects, I’m doing a bit better, not fully recovered but better than before,” lahad pa ng mahusay na singer.
Sa ngayon, kailangan daw niyang magpakitang-gilas at dapat na magpakapositibo sa lahat ng bagay. Malaking parte raw ngayon ng buhay ng mga tao ang social media.
“Now, I really try to keep my social media positive. Lahat ng mga ‘pino-post ko, all happy things and if ever may mga nega naman, fini-filter ko ng kaunti. It’s very confusing and difficult world now.
“One thing that I learned is to simplify life kasi mag-e-enjoy ka talaga ng buhay,” sey pa ni Jed Madela.