TAPOS na ang paghahanap ng University of the East ng bagong coach para sa kanilang men’s basketball team.

Ang dating Ateneo Blue Eaglets head coach na si Joe Silva ay nakatakdang maging chief tactician ng Red Warriors para sa darating na UAAP Season 81 Men’s Basketball tournament.

Ayon sa isang insider, pormal ng nagpaalam si Silva sa Ateneo.

Si Silva ay naupo bilang coach ng Blue Eaglets, may pitong taon na ang nakalipas pagkaraang lumipat ni Jamike Jarin sa San Beda Red Lions kung saan nagwagi sya ng dalawang titulo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Inaasahang magiging mabigat ang haharapin ni Silva upang i-rebuild ang Red Warriors.

Sa nakalipas na apat na taon, bigo ang Red Warriors na umusad sa Final Four.

Makakasama ni Silva sa kanyang coaching staff sina dating UE Red Warrior Paul Artadi at La Salle Green Hills assistant coach Anton Brodett. (Marivic Awitan)