Ni Leandro Alborote
CAMILING, Tarlac – Isang dalagita ang hinalay umano ng kanyang kasamahan sa trabaho sa Barangay Poblacion B, Camiling, Tarlac, nitong Biyernes ng gabi.
Halos matulala ang 14-anyos na biktima, residente ng Bgy. Surgui 1st, Camiling, nang dumulog sa himpilan ng pulisya kasama ang kanyang mga magulang.
Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na si John Leo Dela Cruz, 19, binata,ng Bgy. Abogado, Paniqui, Tarlac, na nahaharap sa kasong panggagahasa.
Sa salaysay ng biktima, pauwi na siya matapos manggaling sa trabaho at naghihintay ng masasakyan nang bigla umanong hatakin ng suspek at dinala sa isang liblib na lugar kung saan nangyari umano ang panggagahasa.