Ni Mina Navarro

Inaasahang kikita ng P7,194,700 ang Bureau of Customs (BoC) sa pagsusubasta ng iba’t ibang mga kalakal.

Alinsunod sa mga probisyon ng Section 1139 hanggang 1150 ng Republic Act No. 10863 o Customization Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016, at iba pang kaugnay na Customs Memorandum Order, Customs Administrative Orders, gaganapin ang public auction sa Mayo 8, 2018, dakong 10:30 ng umaga sa Conference Room ng Office of the District Collector, sa Manila International Container Port (MICP), Tondo, Maynila.

Sinabi ng Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) ng nasabing port, na kabilang sa mga isusubasta ang dalawang 40 footer container ng kitchenware, plastic cup, plastic bag, plastic brush, plastic artificial flower, ladies casual synthetic shoes, men’s casual synthetic shoes, T-shirts, pens, hook hinges na may presyong P2 milyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kasama rin ang anim na container ng EMT Trading na may kabuuang floor price na P5.1-M na kinabibilangan ng cellphone accessories, ladies bag, universal charger, office cabinet, office chair, T-shirts, drums, dye, cooling mat, shoe rack, slipshort, leggings, working gloves, reflective vest, tela, ladies underwear, construction equipments, at food flavourings.

Ang public viewing ng mga kalakal at pre-bid conference para sa lahat ng mga kwalipikadong bidders ay sa Mayo 3 at 4 sa MICP.