Ni Annie Abad

SASABAK bilang kinatawan ng Pilipinas ang tatlong Skateboard Athletes para sa kampanya ng bansa sa nalalapit a 18th Asian Games sa jakarta Palembang, Indonesia ngayong darating na Agosto 18 hanggang Setyembre 2.

Ipinakilala ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc. ang kanilang mga pambatao na sina Margielyn Didal, 19, ng Cebu City, Mark Renzo ‘Mak’ Feliciano, 20, ng Baler, Aurora, at Jefferson Gonzales, 29, ng Manila na sasaba sa women’s at men’s street event individual ng skateboarding na magiging isang opisyal na event na sa nasabing quadrennial meet.

“We choose them based on their standings in the last national championships, and they are, our top skateboard athletes right now. Si Margielyn top female natin, sina Feliciano at Gonzales palitan lang sila sa top male rankings,” pahayag ni SRSP president na si Monty Mendigoria.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit bago ang pinakaabangang Asiad, nakatakda munang magpakitang gilas si Didal sa kalsada ng London para Street League Series ang skateboard series na inorganisa ng NBA na gaganapin sa Mayo 25 kung saan ay dederetso naman sila patungong Hong Kong para naman sa training camp kasama sina Feliciano at Gonzales.

Ito ang unang pagkakataon na magiging medal sport ang skateboarding sa Asian Games tapos maging demo sa 2010 Guangzhou Asiad at mapapsama na rin ito sa mga sports discipline sa darating na 2020 Tokyo Olympic.