Ni Reggee Bonoan

PINAGHANDAAN talaga ni Kris Aquino ang unang araw ng shooting niya sa pelikulang I Love You, Hater kahapon ng umaga dahil bago siya humarap sa kamera ay naglagay muna siya ng facial mask na kinunan naman ng anak na si Bimby, at pinost niya sa Instagram.

Kris,Julia, at Joshua copy

At bilang pampa-goodluck at good vibes sa unang araw ng shooting ay pinadalhan si Kris ng red and pink roses ng kanyang manager na si Erickson Raymundo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Thank you @visionerickson for believing @cornerstone #jeremiah2911#grateful #loved.”

Ang eksenang kinunan kahapon malapit sa ABS-CBN ay ang opisina ni Kris at pinost niya ang clapper na may nakalagay na “JoshLia and Kris.”

“I have a feeling we have a new title. 1st day & I must commend @garciajoshuae- as soon as I arrived, lumapit sya agad & may cute kwentuhan na kami. @juliabarretto finished taping late for the pilot of the new #joshlia soap- bagong ligo, alam kong pagod- pero ang beautiful pa rin & as soon as she arrived NAKANGITING bumati & good vibes ang dala. #lovelovelove,”

Mukhang may bagong mga anak-anakan na naman si Kris pagkatapos ng movie nilang I Love You, Hater dahil nahuli na kaagad ng dalawang bagets ang kiliti ng Queen of Online World and Social Media.

Madadagdag na ba sina Joshua at Julia kina Kim Chiu at Erich Gonzales na super love ni Kris?