Ni Gilbert Espeña

SA unang pagkakataon, lalabas ng bansa ang walang talong si Vince Paras para hamunin si IBF minimumweight champion Hiroto Kyoguchi sa Mayo 20 sa Ota-City General Gymnasium sa Tokyo, Japan.

Magsisilbing undercard ang sagupaan nina Kyoguchi at Paras sa pagdedepensa ni WBA at IBF light flyweight champion Ryoichi Taguchi laban kay Hekkie Budler ng South Africa.

Si Taguchi ang umagaw sa korona ni dating IBF junior flyweight titlist Milan Melindo noong nakaraang Disyembre 31 na naidepensa naman ang korona kay Budler sa 12-round split decision sa Cebu City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We are both hopefuls without a single loss, but I am confident that I am stronger,” sabi ni Kyoguchi sa Japan Times. “As champion, I want to make it an overwhelming performance.”

Natamo ni Kyoguchi ang kanyang korona nang talunin sa 12-round unanimous decision si Jose Argumedo ng Mexico noong Hulyo 23, 2017 at matagumpay itong naidepensa kay Carlos Buitrago ng Nicaragua via 3rd round TKO noong Disyembre 31, 2017.

My perpektong rekord si Paras na 13 panalo, 11 sa pamamagitan ng knockouts lahat pawang ginanap sa Mindanao kaya kailangang lubos ang kanyang pagsasanay para maagaw ang titulo kay Kyogushi na may kartadang 9 na panalo, 7 sa knockouts.

Nakalista si Paras na No. 7 sa WBA, No. 8 sa WBO at No. 15 sa IBF sa light flyweight division kaya magpapababa siya ng timbang sa paghamon kay Kyoguchi.