Ni Marivic Awitan

NAGING madali para sa La Salle ang inaasahang dikdikang laban nang pabagsakin ang National University sa dominanteng, 27-25, 25-22, 25-11, panalo para maitala ang record na 10 sunod na finals sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament nitong Linggo sa MOA Arena.

BINASAG ni Kianna Dy ng La Salle ang depensa ng National University sa kainitan ng kanilang laro sa third set tungo sa dominanteng panalo upang makausad sa UAAP women’s volleyball championship sa record 10 sunod na season. Makakaharap nila sa finals ang Far Eastern University Lady Tamaraws. (ALVIN KASIBAN)

BINASAG ni Kianna Dy ng La Salle ang depensa ng National University sa kainitan ng kanilang laro sa third set tungo sa dominanteng panalo upang makausad sa UAAP women’s volleyball championship sa record 10 sunod na season. Makakaharap nila sa finals ang Far Eastern University Lady Tamaraws. (ALVIN KASIBAN)

Maliban sa unang set na gabuhok lamang ang naging pagitan ng resulta, nangibabaw ang top-seeded Lady Spikers laban sa tila nawalan nang ganang Lady Bulldogs para makausad sa best-of-three title series laban sa second seed Far Eastern University.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nakatakda ang Game One sa Sabado sa Araneta Coliseum.

“Wala namang bago kasi kung ano man ‘yung narating ng team ngayon, siguro dahil na rin sa mga players kasi gusto nila ‘yun,” sambit ni La Salle coach Ramil de Jesus, arkitekto sa matikas na ratsada ng Lady Arcjers sa nakalipas na 10 season.

“Gusto nila ‘yun, kaya siguro, na-develop na rin ‘yung character. At ‘yung maturity, dumating sa mga players. Although may mga times na may struggle ‘yung team, pero eventually na-overcome nila ‘yun,” aniya.

Kumubra si Tin Tiamzon ng 11 puntos para sa La Salle, habang nag-ambag ang graduating middle blocker na si Majoy Baron ng siyam na puntos at tumipa ang graduating ding libero na Dawn Macandili ng 23 digs at 10 excellent receptions.

Hapis at pagkadismaya ang natamo ng Lady Bulldogs, higit kay NU star at national team mainstay Jaja Santiago na tinapos ang collegiate career na bokya sa UAAP title.

Sa men’s division, nakabawi ang NU, sa pangunguna ni Bryan Bagunas, para gapiin ang University of Santo Tomas, 25-13, 25-13, 31-29, at makausad sa ikaanim na sunod na UAAP finals.

Hataw si Bagunas sa naiskor na career-high 29 puntos, tampok ang 24 kills, isang block at tatlong service aces, at 10 excellent receptions.

“Syempre gawa rin naman sa ginagawa namin sa school, kaya masaya kami na nakuha ulit namin itong pang-anim na appearance sa Finals,” pahayag ni NU coach Dante Alinsunurin.

Makakaharap ng top-seeded Bulldogs sa finals ang magwawagi sa do-or-die match ng Far Eastern University at Ateneo sa Miyerkules sa The Arena sa San Juan.