Ni Mina Navarro

Halos 79,000 local at overseas job openings ang nakalaan sa mga naghahanap ng trabaho at negosyo sa buong bansa, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mas maraming pagkakataon sa trabaho ang maaaring makuha sa 53 lugar ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) at mga business fair na inihanda ng DoLE at Department of Trade and Industry (DTI) para sa Labor Day sa Mayo 1.

Ang kabuuang 829 na employer, 666 dito ay lokal at 163 ang sa ibang bansa, ay mag-aalok ng 78,675 trabaho, kabilang na ang sa gobyerno.

Pelikula

'Kinilabutan ako!' Unang pasilip sa 'Hello, Love, Again,' umani ng reaksiyon