Ni Hans Amancio at Mary Ann Santiago

Arestado sa paghahawak ng puwet ang isang lalaki sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni SPO2 Rowena dela Cruz Espinosa-Albano, case investigator, ang suspek na si Jayson Laquesta, 20, ng No. 1043 Guevarra Street, Sta. Cruz, Maynila.

B a s e s a i n i s y a l n a imbestigasyon, nakatayo ang biktimang si Mariquiza Trangia, 27, ng 1434 Felix Huertas St., Sta. Cruz, Maynila sa Mayhaligue corner Natividad Streets nang dumaan ang suspek at hinawakan ang kanyang puwet noong Abril 21, dakong 10:30 ng gabi.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Binalewala umano ng biktima ang insidente. Gayunman, makalipas ang ilang segundo, bumalik ang suspek at muling dinakma ang puwet ng biktima, dahilan upang kumprontahin niya ito at itulak.

Nagpasaklolo si Trangia sa isang barangay tanod, si Wilmar Baluyot, na nagdala sa suspek sa barangay hall.

Gayunman, pinabulaanan ng suspek ang reklamo ng biktima.

Hawak na s i Laquesta ng Sta. Cruz Police Station at mahaharap sa kaukulang kaso.