Ni JUN FABON

Masusing iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkamatay ng anak ni dating Quezon City Councilor Bong Suntay sa nasabing lungsod, iniulat kahapon.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Marlon Dela Vega ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), kinilala ang biktima na si Lorenzo Gabriel Suntay, 20, ng No. 23 A-Mariposa Street, Barangay Bagong Lipunan’ Crame, Quezon City.

Nadatnan si Lorenzo na duguang nakahandusay sa banyo at may tama ng bala sa ulo habang hawak ang shotgun.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa imbestigasyon ng CIDU, narinig ni Emily, kasambahay, ang malakas na putok ng baril mula sa ikalawang palapag ng bahay, bandang 1:00 ng hapon kamakalawa.

Pinuntahan ni Emily ang pinagmulan, kasama ang kapatid ng biktima na si Jaime Suntay, nadiskubre sa banyo ang bangkay ni Lorenzo.

Ayon sa CIDU, hawak na nila ang autopsy ng biktima at aalamin kung may naganap na foul play sa insidente.