Ni Gilbert Espeña

Tiyak na aangat sa WBC rankings si dating No. 12 contender Michael Dasmariñas ng Pilipinas matapos niyang patulugin si No. 4 rated Karim Guerfi ng France sa 4th round para matamo ang bakanteng International Boxing Organization bantamweight title sa Singapore kamakalawa ng gabi.

Bumagsak ang kasalukuyang European champion na si Guerfi nang tamaan ng matinding left hook ni Dasmarinas. Hindi kaagad nakabangon si Guerfi kaya masusing sinuri ng mga doctor bago pinayagang makatayo at magpunta sa kanyang dugout.

“A teary-eyed Dasmariñas raised his hands in jubilation as Filipinos in the crowd of about 4,000 spectators at the Singapore Indoor Stadium roared in approval,” ayon sa ulat ng Rappler.com. “Dasmariñas, 25, increased his record to 28 wins, 19 of them via the short route and two losses. The 31-year-old Guerfi’s record fell to four losses with 26 wins, only 8 via knockouts.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Agresibo sa loob ng apat na rounds si Guerfi kaya naging maingat si Dasmarinas hangan makatiyempong pakawalan ang pamatay na left hook nito.

Sa isa pang laban, napanatili ni Singaporean fighter Muhamad Ridhwan ang kanyang IBO intercontinental featherweight title nang talunin sa kontrobersiyal na 12-round split decision ang Pilipinong si Jeson Umbal.