BEIJING (Reuters) – Nasawi ang 17 tao nang tumaob ang dalawang dragon boat habang sila ay nag-eensayo sa isang ilog sa China.

Ipinakita sa telebisyon ang pagtaob ng bangka na puno ng mga nagsasagwan sa gitna ng malakas na agos ng tubig. Isa pang paparating na bangka na puno rin ng sakay ang tumaob.

Ayon sa ulat ng Xinhua news agency, 57 katao ang nahulog sa ilog na iniligtas naman ng 200 rescuers. Hindi umano nakasuot ng life jacket ang mga biktima.

Dalawang tao ang ikinulong dahil sa nangyaring insidente

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'