Ni ORLY L. BARCALA

Tuluyan nang hindi nagising ang isang lalaki nang himatayin habang nagpapamasahe sa isang massage clinic sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Tomas Ramon de Guzman, 54, ng Paterno Street, Barangay Libis, Binangonan, Rizal.

Base sa report, nagpamasahe si De Guzman sa isang massage clinic, na matatagpuan sa No. 57 MacArthur Highway, Caloocan City, bandang 4:00 ng hapon.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Hini l ing umano ni De Guzman sa masahista na “hard” ang gawing masahe sa kanya.

Ha b a n g mi n ama s a h e , bigla umanong tumayo si De Guzman at inutusan ang kanyang masahista na kunin ang kanyang gamot sa kanyang gamit, bago tuluyang nawalan ng malay.

Agad isinugod si De Guzman sa Manila Central University Hospital, ngunit hindi na umabot nang buhay.

Nakatakdang isailalim sa autopsy ang bangkay.

Ayon sa awtoridad, posibleng inatake sa puso ang biktima.