Ni Orly L. Barcala

Kulong ang isang helper nang maaresto matapos umanong magnakaw ng glutathione at ng ibang pang beauty products sa pinapasukang establisyemento sa Valenzuela City, kamakalawa ng tanghali. 

Kinilala ang suspek na si Ronald Balidoy, 22, housekeeping helper sa DHL Chain, at residente ng Block 2 Lot 4 Knights of Columbus, Antipolo City.

Pinanood ni Jenna Musni, kawani ng nasabing kumpanya, ang closed-circuit television (CCTV) footage nang iulat na may nawawalang kahon ng damit at panty, na nagkakahalaga ng P1,450, na ipinadala ng kliyente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa footage, nakita si Balidoy na binuksan ang package at tinangay ang laman ng kahon.

Agad kinumpron t a n i Ringbert Mendoza, 41, manager, si Balidoy at inamin at ibinalik ang tinangay na gamit kabilang ang mga body lotion, anti-bacterial at glutathione soap, polo shirt, toothpaste, at body spray.

Sa kabila ng pag-amin, idiniretso si Balidoy sa Barangay Hall Mapulang Lupa, bandang 12:05 ng tanghali.

Sa loob ng barangay hall, ipinangako ng suspek na ibabalik ang iba pang tinangay na gamit na dinala niya sa kanyang bahay.

Bukod dito, nadiskubre rin sa loob ng locker ng suspek ang isang bukas na bote ng glutathione.

Nahaharap si Balidoy sa kasong qualified theft.