Ni Bella Gamotea
Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang inaresto ng mga tauhan ng Parañaque City Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa lungsod, nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang mga inaresto na sina Renato Barretto y Reyes, alyas Boy, 58, ng Extra Extension, Fourth Estate Subdivision, Barangay San Antonio, Parañaque City; at PerryBell Rioferio y Canlas, alyas Perry, 35, ng Block 14 Lot 1, Ipil- Ipil St., Verraville, Valley 2, Bgy. San Isidro ng nasabing lungsod.
Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), nagkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque City Police, sa pangunguna ni Senior Insp. Anthony Alising at ng PDEA, sa Extra Extension, Fourth Estate Subdivision, Bgy. San Antonio, dakong 11:40 ng gabi.
Nagsilbing poseur-buyer si PO1 Ferdinand Silva at bumili ng isang pakete ng shabu, sa halagang P300, sa mga suspek at inaresto.
Narekober kay Barretto ang 40 pang pakete ng umano’y shabu; isang pakete ng hinihinalang marijuana; at P300 buy-bust money. Nakuha naman kay Roferio ng isang pakete ng umano’y shabu.
I s a s a i l a l im s a i n que s t proceeding ang mga suspek dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).