Ni Argyll Cyrus B. Geducos at Mina Navarro

Sisibakin sana ni Pangulong Duterte si Labor Undersecretary Dominador Say dahil umano sa kurapsiyon kung hindi lamang ito nagbitiw sa puwesto.

Ito ang paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque ilang araw matapos banggitin ng Pangulo na isang undersecretary ang sisipain niya sa puwesto sa layuning matanggal ang mga tiwaling opisyal sa Executive Branch.

Nitong Martes, nagbitiw sa puwesto si Say upang hindi na umano malagay sa alanganin ang Department of Labor and Employment (DoLE) dahil sa kanyang “pro-management” background sa gitna ng pagsusulong ng administrasyon na wakasan ang contractualization ng mga manggagawa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa press conference kahapon, ipinasya ni Roque na linawin ang lahat kasabay na rin ng pagbubunyag nito sa nasabing impormasyon.

“To be candid, if Usec Say did not resign, he would have been fired,” ani Roque.

“Corruption that the President knows about. Corruption relating to activities of labor recruiters, apparently, and the Department of Labor and Employment. But I’m not sure if that was what he was referring to. I just have personal knowledge that if the resignation was not submitted, he would have been fired,” paliwanag ni Roque.

Duda naman si Labor Secretary Silvestre Bello III na magagawa ni Say ang ibinibintang dito.

“I don’t think he is capable of doing that. Practicing lawyer ‘yan, at unang karanasan niya ito sa gobyerno,” sabi ni Bello. “Kung ikaw ay isang abogado, gagawin mo ba ‘yan? Hindi ako makapaniwala.”