Ni Ariel Fernandez

Nangangalap ng karagdagang impormasyon si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal hinggil sa report na isang pasaherong Pinay, na mula sa London at may connecting flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 via Hong Kong, ang nawalan ng laptop computer, pabango at mga tsokolate sa kanyang luggage, sa paglapag niya sa paliparan nitong Sabado.

Ayon kay Monreal, nagsisigaw ang pasahero na si Leticia Maple, sakay sa Cebu Pacific flight 5J113 at dumating sa bansa sa ganap na 10:25 ng gabi nitong Sabado, nang malaman na nawawala ang ilan niyang gamit sa loob ng kanyang check-in luggage.

Nang siyasatin ng mga airline crew, pareho lamang ang bigat ng luggage sa nakasaad sa kanyang baggage claim stab.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinilip na ng Cebu Pacific ang mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, at walang nakitang humawak sa bagahe ni Maple.