NEW YORK (Reuters) – Dahil sa problema sa linya ng kuryente sa katimugang bahagi ng Puerto Rico, nawalan ng kuryente ang halos lahat ng 3.4 milyong residente rito nitong Miyerkules.

Sa isang pahayag, sinabi ng Puerto Rican Electric Power Authority, kilala bilang PREPA, na kumikilos na ang “technical personnel” upang malaman ang sanhi ng problema at maibalik ang serbisyo sa loob ng 24 hanggang 36 na oras.

Hindi apektado rito ang maliliit na isla ng Puerto Rico, partikular na ang Culebra at Vieques, maging ang microgrids isla.

“This is another example of why Puerto Rico’s energy infrastructure needs to incorporate new forms of power,” pahayag ni Governor Ricardo Rossello sa Twitter, idinagdag na siya ay “committed” sa reporma upang mapaunlad ang sektor ng enerhiya sa isla.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'