Ni Nora V. Calderon

Walang dalawang-isip, isinakripisyo muna ni Jackie Rice ang long running gag show nilang Bubble Gang para mai-focus niya ang acting sa kanyang afternoon prime drama series, ang advocaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Jackie Rice (2) copy

First time niyang gaganap na mayamang-mataray na nang-agaw ng asawa, si Mike Tan, na obsessed siya sa pagmamahal dito. Mahirap daw kasi na sa Bubble Gang ay nagpapatawa siya pero sa bagong soap seryoso ang kanyang role bilang si Aeva Imperial at wala siyang pakialam sa damdamin ni Thea (Yasmien Kurdi) at inagaw niya ang asawa nitong si Marco (Mike).

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Mahirap po ang role ko, pisikalan ang mga eksena namin ni Yasmien at kailangang i-memorize ko ang lines,” sabi ni Jackie. “Minsan, unexpected ang mga ipinagagawa sa aming eksena ni Direk Neal del Rosario, tapos kaeksena ko pa madalas si Miss Gina Alajar, na very supportive naman at nagbibigay ng mga tips sa akin kung paano ang gagawin ko sa eksena. Pareho po kasi kaming masyadong mataas ang tingin sa sarili namin, mataray, kaya magkasundo kami.”

Isang simple character din lamang kasi ang ginampanan ni Jackie sa last soap niya last year, ang My Love From The Stars kaya mahirap ang character niya ngayon na ang concept nga ay ipaalam sa televiewers ang tungkol sa HIV virus.

“Nag-research po rin ako tungkol sa HIV at nalaman ko na mataas talaga ang kaso ng HIV sa bansa, pero kung may HIV ang isang tao, basta maggamot lamang siya, hindi siya makakahawa, hindi sila dapat pandirihan.”

Si Jackie pala ay almost three years na ring hiwalay sa last boyfriend niya at sa ngayon ayaw pa rin niyang magkaroon ng bagong boyfriend. Wala bang nagpaparamdam o wala bang nagsasabing dadalawin siya sa set nila?

“Mayroon po naman, kaya lamang naka-focus nga ako sa work ko. Saka ayaw ko pong magpadalaw sa set, dahil tiyak bibiruin lamang nila ako. Sa totoo po, mas gusto ko na muna ang buhay ko na ganito. Ayaw ko rin namang iwanan ang family ko kung sakali, mas gusto ko silang kasama, na hindi madalas dahil nga busy ako sa work ko. Hindi rin naman po ako nawawalan ng project sa GMA, bukod pa sa matagal na akong mainstay ng Bubble Gang.

Ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka ay napapanood daily sa GMA 7 after ng The Stepdaughters.