OAKLAND, Calif. (AP) — Masasabing nasa mabuting katayuan ang Golden State Warriors, kahit wala ang injured na si Stephen Curry.
Muling rumatsada ang outside shooting nina Kevin Durant at Klay Thompson para sandigan ang Warriors sa 116-101 panalo kontra San Antonio Spurs nitong Lunes (Martes sa Manila) para sa 2-0 bentahe sa kanilang Western Conference first round playoff.
Hataw si Durant sa naiskor na 32 puntos, habang kumana si Thompson ng 31 puntos at limang assists para sa dominanateng kampanya sa kanilang best-of-seven series.
Nanguna si LaMarcus Aldridge sa Spurs sa natipang 34 puntos.
Host ang San Antonio sa Game 3 sa Huwebes (Biyernes sa Manila).
HEAT 113, SIXERS 103
Sa Philadelphia, ipinamalas ni Dwyane Wade ang ‘vintage performance’ para tuldukan ang 17-game winning streak ng Philadelphia sa impresibiong panalo ng Miami Heat para maitabla ang serye sa 1-1.
Sa kabila ng pagkawala ni All-Star center Joel Embiid, nakuha ng Sixers ang panalo sa GFame 1 at impresibong sa Game 2 kung saan matikas silang bumangon mula sa paghahabol. Ngunit, kinapos silang pantayan ang determinasyon ni Wade.
Kumubar si Wade ng 28 puntos.
Ito ang unang kabiguan ng Sixers mula noong March 13 laban sa Indiana.