Ni Merlina Hernando-Malipot

Tinawag ng isang progresibong grupo ng mga guro na “walang awa” si Education Secretary Leonor Briones sa pagbibigay umano sa mga guro ng mas maraming trabaho sa mas kakaunting service credit.

Binatikos ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary General Raymond Basilio si Briones sa pagiging walang konsiderasyon umano sa mga guro.

“Walang awa talaga sa mga guro itong si Sec. Briones!,” saad sa Facebook post ni Basilio. “Batay sa DepEd Memo 66 series of 2018, six days magre-report ang mga guro para sa Brigada Eskuwela pero three days lang ang service credits na ibibigay!”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Tinukoy ni Basilio ang bahagi ng memo ng DepEd sa 2018 Brigada Eskwela Implementing Guidelines, na isinaad ni Briones na “a complete six-day participation in the maintenance effort shall give teachers a three-day service credit entitlement.”

Ang taunang Brigada Eskuwela ay isasagawa sa Mayo 28-Hunyo 2.