Ni Roy C. Mabasa

Binanggit ng isang mataas na opisyal ng Czech Republic ang “good experiences” ng kanilang bansa sa mga Pilipinong manggagawa bilang isa sa mga pangunahing dahilan para sa pagbubukas ng istriktong labor market nito sa overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ang ipinunto ni Martin Smolek, ang Deputy Minister for Legal and Consular Affairs in the Czech Republic, sa panayam ng Balita sa Czech Embassy sa Makati City.

Ayon sa Czech foreign affairs deputy minister, hindi naging madali ang proseso ng pagpili sa Pilipinas para pagkuhanan ng mga migranteng manggagawa para sa Czech Republic.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“We considered it very deeply together with other ministries like the ministries of industry, interior, which is the ministry tasked to issue long term visa, and with labor ministry who is responsible the working market,” paliwanag ni Smolek.

“One of our directors suggested to us, ‘Why not Filipinos because we have good experience with them,’” dugtong niya. “So we started thinking about the Filipinos two years ago.”

Bakit nga ba pinili nila ang Pilipinas? Ito ay dahil sa apat na dahilan.

Una, dahil sa skills ng mga Pinoy. Pangalawa, bihasa sa English ang mga Pilipino. Pangatlo dahil sa napakababang migration risk ng OFWs o hindi sila nagtatago sa bansa kapag pumaso na ang kanilang working visa. At pang-apat, dahil sa pag-aalaga ng gobyerno ng Pilipinas sa kanilang mga mamamayan na nagtatrabaho sa ibang bansa.

“Your system is very strict which is very convenient to us because we are searching for those countries where workers are not misused and your system itself try to select the right people,” ani Smolek. “Personally, I like your system which is very strict.”

Nitong Enero, ipinahayag ng Czech Republic na inaprubahan nito ang 1,000 job openings para sa mga kwalipikadong Pinoy, partikular na sa nurses.

Bumiyahe si Smolek sa Pilipinas kamakailan para ipakilala sa bansa ang dalawang bagong schemes para sa visa sa long-term residence o employment.

“We will try to enlarge the system now and see how it will run, and we hope it will run smoothly,” aniya.