Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA at BETH CAMIA

Nais ni Senador Ralph Recto na i-live stream ang rehabilitasyon ng Boracay Island at Marawi City upang matiyak na “work will be on time, on budget, and according to specifications.”

Sinabi ni Recto, sa isang pahayag kahapon, na kung ang “remote monitoring” ay ginagamit na ngayon ng mga may-ari ng mga itinatayong bahay, “then the same should be done on major government infrastructure projects.”

Sinabi niya na maaaring ikonsidera ng gobyerno ang Marawi at Boracay bilang pilot areas para sa implementasyon ng “Project DIME,” o Digital Imaging for Monitoring and Evaluation.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang Project DIME, inilunsad ng Department of Budget and Management and Department of Science and Technology, ay isa sa mga bagong programa ng gobyerno na gagamit ng drones, satellite imaging at iba pang cutting-edge technology para i-monitor ang progreso ng malalaking infrastructure projects.

Iginiit ni Recto na ang dalawang rehabilitation projects, “where billions of pesos are at stake,” ay “prime candidates” para sa DIME.

“Environmental cleanup of Boracay and the reconstruction of the war-damaged Marawi should be livestreamed, so that work will be on time, on budget, and according to specifications,” ani Recto.

Samantala, kailangan nang maipasa ang Reparation Act para matulungan ang mga residente ng Marawi City.

Sinabi ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) assemblyman at tagapagsalita ng Lanao del Sur Crisis Management Committee Zia Alonto Adiong, na hinihimok na ng Task Force Bangon Marawi ang Kamara na maipasa ang batas para sa mga residenteng apektado ng giyera.

Ipinaliwanag ni Adiong na mayroon nang nakalaang P15 bilyon pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City, pero para lamang ito sa mga istruktura na pag-aari ng gobyerno. Hindi pa kasama sa pondo ang pagsasaayos ng mga pribadong establisyimyento sa lungsod.

Giit niya, matulungan ang mga residente sa pagsasaayos ng kanilang mga establisyimyento, gaya ng kani-kanilang bahay at mga negosyo, dapat nang maipasa ang Reparation Act.