Ni Mary Ann Santiago

Patay ang 67-anyos na babae nang mabundol ng motorsiklo sa Maynila nitong Sabado.

Isinugod pa sa UST Hospital si Edna Lizardo Capule, ng 652 C. Lacson Avenue sa Sampaloc, ngunit namatay dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, sugatan ang suspek na si Rene Ordinario y Castillo, 32, ng 1282 Dama de Noche Street, sa Tondo, Maynila.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Sa imbestigasyon ni SPO1 Roberto Lorenzo, ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD), naganap ang aksidente sa northbound lane ng Lacson Avenue, malapit sa kanto ng Fajardo St., sa Sampaloc, bandang 1:00 ng hapon.

Sinasabing tumatawid ang biktima sa nasabing lugar nang mabangga ng Yamaha Mio motorcycle (LTO MV File No. 0201-0394459), na minamaneho ni Ordinario, na patungo sanang northward ng Lacson Avenue.

Sa lakas ng pagkakabangga, kapwa tumilapon ang biktima at ang suspek na ikinasawi ng una at ikinasugat ng huli.

Nahaharap si Ordinario sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.