NAKATAKDANG bumalik ng bansa ang “sensational cager” na si Kobe Paras sa darating na Linggo upang maglaro at makasama ng Gilas Pilipinas cadet squad na sasabak sa 2018 Filoil Flying V Preseason Cup na magsisimula ng Abril 21.

Ito ang kinumpirma ni Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio kaugnay ng maagang paghahanda ng “23-for-2023” pool para sa 2023 Fiba Basketball World Cup.

“Kobe will be basing himself in the Philippines in the meantime, and I’m very thankful and glad that Kobe is very committed to the Gilas program,” pahayag ni Antonio .

Matatandaang nagkaroon ng maikling collegiate stint sa Amerika ang 20-anyos na si Paras.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naging bahagi rin ang 20-anyos na anak ng dating PBA Rookie-MVP na si Benjie Paras ng gold medal-winning squad sa nakaraang 2017 Southeast Asian Games sa Malaysia.

Umaasa si Gilas coach Chot Reyes na mamamalagi na sa Pilipinas si Paras para sa commitment nito sa Gilas cadet. - Marivic Awitan