Ni Fer Taboy

Mahigit 5,000 barangay sa bansa ang isinailalim sa elections watch list ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 14.

Ayon kay Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsalita ng PNP, ito ay resulta ng evaluation ng Directorate for Intelligence.

Aniya, inilagay sa watch list ang mga barangay na mayroong mataas na kaso ng kriminalidad.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Ayon pa kay Bulalacao, kasama ang mga beripikadong political rivalry, pagkakaroon ng mga armed groups, drug prone areas, at aktibidad ng mga rebelde.

Binubuo ng dalawang kategorya ang listahan at tinututukan na ang mga lugar na umano’y pinagkukutaan ng mga armadong grupo.

Nagdagdag na rin ang PNP ng checkpoints para sa pagpapatupad ng gun ban, kasunod ng pagsisimula ng panahon ng kampanya.