Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Aabot na sa 400 baril na walang papeles ang nasamsam ng pulisya sa pinaigting na kampanya ng pulisya sa Nueva Ecija laban sa kriminalidad.

Sinabi ni Senior Supt. Eliseo Tanding, Nueva Ecija Police Provincial Office director, kabilang sa nasamsam ang siyam na high-powered weapons simula noong Enero hanggang Marso 2018.

Ipinatutupad na rin, aniya, ng pulisya ang gun ban alinsunod na rin sa kautusan ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Aniya, naglatag na sila ng mga checkpoint sa 27 munisipalidad at limang lungsod upang hindi makalusot ang mga ilegal na baril sa probinsiya.