Nasa 100 overseas Filipino worker (OFW) mula sa Kuwait ang dadating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 makaraang mag-avail ng amnestiyang alok ng gobyerno ng Kuwait ilang araw bago ang deadline nito sa Abril 22.
Sasalubungin ang nasabing bilang ng mga OFW ng mga kinatawan mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department Of Foreign Affairs (DFA), habang nakahanda rin sa pagkakaloob ng anumang atensiyong medikal ang MIAA Medical Team. - Ariel Fernandez