DUMANAS tayo ng krisis sa bigas nitong nakalipas na linggo, ngunit hindi sa supply. Ito ay sa presyo.
Trabaho ng National Food Authority (NFA), ahensiya ng gobyerno, na siguraduhing sapat ang supply ng murang bigas sa para sa masa. Umaangkat ito ng supply mula sa Thailand at Vietnam, na umaani ng mas murang bigas kaysa produkto ng magsasakang Pilipino.
Nitong Miyerkules, ipinaalam ng NFA— na dapat na nagpapanatili ng sapat na buffer stock good para sa 15 araw hanggang 30 araw sa mga mahinang buwan ng Hunyo hanggang Agosto - na ang kasalukuyang buffer stock ay bumaba sa 0.35 araw— 200,000 sako ng bigas. Kung kailan ang murang NFA rice ay malapit nang maubos sa mga pamilihan at tanging mga lokal na produktong bigas ang nasa pamilihan at ibinebenta sa mas mataas na presyo.
Nakialam na si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon, at napag-alaman na naging ugat ng bangayan sa pagitan ng mga opisyal na namamahala ng NFA at ng NFA’s policy-making body, ang NFA Council. Siniguro ni Cabinet Secretary Leoncio Evaso, Jr., chairman ng NFA Council na bagamat bumaba ang buffer stock sa mga bodega, dumating na sa bansa ang mga bagong angkat na bigas at inaasahang marami pa ang darating ngayong Mayo. Bukod dito, sinabi niya na inaasahan ng bansa ang “big harvest” ng mga lokal na magsasaka, base sa ulat ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.
Kamakailan, binanggit ni Secretary Piñol na nagkasundo sila ni NFA Administrator Jason Aquino sa pagkuha ng supply ng NFA sa mga grupo ng Pilipinong magsasaka, kooperatiba o asosasyon, na tutulungan naman ng DA sa mga makinarya at production loans. Ipapaalam din ng DA, sa pamamagitan ng mga regional offices nito, ang mga lugar na may NFA kung saan sa mas mababang presyo ibinebenta ang bigas kumpara sa mga presyo sa pamilihan na itinakda ng mga traders at middlemen.
Tapos na ang krisis sa bigas na pinangangambahan at kinatakutan dahil sa mga larawan ng mga bodegang walang laman.
Walang na ngang prolema sa supply. Kayang maglabas ng ating mga magsasaka nang sapat na ani para sa bansa, ngunit ang presyo ay mas mataas kumpara sa Thailand at Vietnam.
Ito ang dapat na pagtuunan ng Department of Agriculture, ang maibaba ang gastos sa produksiyon. At nasimulan na ito ng ahensiya sa pamamagitan ng libreng irigasyon, programang production loan na may anim na porsiyento at maaaring bayaran sa loob ng isang taon, pagbibigay ng mga makinarya tulad ng traktora para sa pagsasaka at pagbuo ng mga pasilidad sa pagpapatuyo na libreng magagamit ng mga magsasaka.
Sa araw na masolusyonan ang problema sa presyo ng bigas, hindi na natin kailangan umangkat para sa murang buffer stock ng NFA rice. Ang matagal nang pangarap na sapat na supply ng pagkain para sa bansa, ang pangarap na isinusulong mula pa sa Masagana 99 program ni Pangulong Marcos, ay matatamasa na rin.