Ni Fer Taboy

Isang lalaki ang napatay habang isa pa ang nasugatan nang pagbabarilin sila ng isang hindi nakilalang lalaki sa Cebu City, kahapon ng madaling-araw.

Sa imbestigasyon ng Cebu City Police Office (CCPO), dead on the spot si Neil Abella, tubong San Fernando, Cebu, sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Isinugod naman sa ospital si Enriclint Alesman, matapos mabaril sa braso habang nakasakay sa kotse ni Abella.

Paparada na sana ang sasakyan ng biktima nang bigla silang pagbabarilin ng suspek.

Apat na basyo ng bala ang narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.