Ni Jun N. Aguirre

Boracay Island - Hindi dapat mangamba sa kanilang kaligtasan ang mga turistang nagbabalak magbakasyon sa mga tourist destination sa Western Visayas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang tiniyak kahapon ni Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag, director ng Police Regional Office-Western Visayas, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga turista ngayong summer season.

Aniya, naka-red alert na ang pulisya sa Boracay Island, na nangungunang tourism destination sa rehiyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inaasahan din nito na lalo pang dadayuhin ng mga turista ang isla dahil isasara na ito sa publiko sa Abril 26, upang bigyang-daan ang rehabilitasyon.

Bukod sa Boracay, maaari rin aniyang bisitahin ang ilang white beach sa lalawigan at karatig-lugar nito, katulad ng Hinugtan Beach sa Buruanga at Jawilli Beach, kasama na ang wave rock formation sa bayan ng Tangalan.

Umaabot na, aniya, sa 610 pulis ang itinalaga sa Boracay upang masiguro ang kaligtasan ng mga turista at mga residente.