Ni Annie Abad

NAGLAAN ng kabuuang 1.5 milyong piso si Senator Manny Pacquiao kasama ang isang trophy para sa mga magwawagi sa finals ng Maharlika Pilipinas basketaball League (MPBL).

Ayon sa Senador bagama’t hindi aabot ng matagal na serye ang liga, sinikap pa rin niya na maging makabuluhan ang nasabing liga sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga makabuluhan papremyo sa mga mananalo.

Bukod sa trophy ay makatatanggap ng cash prize ang champion team at ang first runner up, kung saan 1 milyong piso ang champion team at 500,000 naman ang sa 1st runner up.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Maiksi lang ang liga natin ngayon, pilot conferec pa lang . Ang trophy natin is 24 inches yung may bola sa taas parang katulad ng design sa NBA. Yung guhit ng bola yun ang gold. Kasi matagal gawin yung solid gold,” pahayag ni Pacquiao. “this time yung white gold muna, parang Silver siya, tapos may gold siya sa bola. Yun ang trophy natin,” dagdag pa ni Pacquiao.

Kasalukuyang nag-aagawan ng puwesto ngayon ang apat na nalabing koponan upang makauna sa finals ng nasabing liga. Kabilang sa mga nasabing koponan ay ang Batangas City, Valenzuela, Paranaque at Muntinlupa.