Ni Fer Taboy

Pinasusuko na ng militar ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) at Bangsamoro Islamic Freedom Figthers (BIFF) hangga’t may natitira pa silang panahon.

Ito ang panawagan ni Maj. Gen. Arnel Dela Vega, hepe ang 6th Infantry (Kampilan) Division kasabay na rin ng pagprisinta nito sa apat na kaanib ng BIFF sa idinaos na press conference sa Camp Siongco Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sumuko aniya ang apat dahil sa pinaigting na operasyon ng militar at pagod na rin umano ang mga ito sa pakikipaglaban sa pamahalaan.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nais na rin aniyang mamuhay ng mga ito nang mapayapa, kapiling ang kanilang pamilya.

Kapag sumuko ang mga ito, hindi na aniya silang pababayaan ng pmahalaan dahil bibigyan sila ng livelihood assistance.

Kaugnay nito, itinanggi ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) na kaanib nila ang apat na sumurender.