Ni Chito A. Chavez

Bilang suporta sa giyera kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte, nangako ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na kakasuhan ang mga opisyal ng barangay na kasama sa narco-politician list ng pamahalaan.

Binansagan silang illegal drug protectors, sinabi ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya na nakatakdang maghain ng nararapat na kaso ang ahensiya laban sa mga opisyal na nabigong mag-organisa ng kanilang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Sa kautusan ni DILG officer-in-charge (OIC) Eduardo Año, sinabi ni Malaya na ang barangay officials na nasa “watch list’’ ng gobyerno na tumangging mag-organisa ng BADAC lalo na ang barangay chairman ay ilalagay sa target list ng DILG.

National

Diokno kay Ex-Pres. Duterte: ‘Tara na, i-set na natin ang date mo sa ICC!’

Sina Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño at Assistant Secretary for External and Legislative Affairs Rico Judge Echiverri ang magdedesisyon sa kung sinu-sinong opisyal ng barangay ang kakasuhan.

Patuloy ang proseso ng validation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa impormasyon.

Inamin ni Malaya na hindi maaaring ilabas ng DILG ang mga pangalan ng narco-politicians dahil kailangan munang i-validate ng PDEA ang mga dokumento bilang pangunahing ahensiya laban sa illegal drugs.

Gayunman, wala pang ibinibigay na petsa ang DILG kung kailan isasampa ang mga kaso ngunit tiniyak sa publiko na binibilisan na nila proseso.

Batay sa record ng PDEA, mayroong 289 barangay officials, kabilang ang 143 chairmen at 146 councilors na umano’y may kaugnayan sa ilegal na droga.