Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Sugatan ang tatlong katao sa pagtaob ng sinasakyan nilang kotse sa Romulo Highway, Barangay San Vicente, Santa Ignacia, Tarlac, nitong Martes ng madaling araw.

Agad isinugod sa ospital sina Redentor Carbonell, 35; at Romeo Juan, 59, magsasaka, ng Bgy. Bobon 1st, Camiling, Tarlac; at Rubilyn Toralba, 45, ng Bgy. Cabayaoasan, Mangatarem, Pangasinan.

Ayon kay PO2 Kevin Breis, traffic investigator, naganap ang inisidente dakong 4:00 ng madaling araw. Sakay sa kotse ang tatlo at patungong Camiling, Tarlac nang mawalan ng kontrol ang sasakyan at sumalpok sa kanal hanggang sa bumulusok sa palayan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog