Ni Nonoy E. Lacson

Labing-dalawa sa 17 bilanggong pumuga ang muling naaresto ng mga pulis sa Zamboanga City, matapos na tumakas sa himpilan ng Tetuan Police sa lungsod, nitong Martes ng madaling araw.

Ayon kay Police Regional Office (PRO)-9 Director Chief Supt. Billy Beltran, nasa 17 bilanggo, na pawang nahaharap sa kaso ng ilegal na droga, ang tumakas sa selda dakong 2:50 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, ang bilanggong si William Pajardo, na nakakita sa kandado ng kulungan, ang nagpalaya sa mga preso habang nahihimbing umano ang mga bantay nilang pulis.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinilala ang mga tumakas na sina Nadzar Hack, Rio De Asis, Arkham Ignacio, Adzmir Ibrahim, William Pajarado, Lexandrus Manog, Junie Boy Rodriguez, Oscar Baguinda, Roger Mark Vincent Ragas, Haibi Sandain, Al-Fermin Saddam, Emmanuel Matulac, Adzri Zuhuri, Jezreel Salazar, Sulayman Sali, Jeremy Maruji, at Chuck Lorence Tarangda.

Kaagad namang naaresto ng mga pulis sina Pajarado, Ragas, Baguinda, at Salazar.

Sa pagtutulungan ng buong puwersa ng awtoridad, naaresto rin ang walong iba pa, na nagsipagtago sa kani-kanilang kamag-anak.