Ni Liezle Basa Iñigo

BACARRA, Ilocos Norte – Labis na dinamdam ng isang binata ang pag-aaway nila ng kanyang nobya at ito ang pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Natagpuan ang bangkay ni Jonhsen Von Tagata, residente ng Barangay Balatong, Laoag City, na nakabigti sa kisame ng isang karinderya sa Bgy. Buyon, Bacarra, Ilocos Norte, nitong Lunes ng umaga.

Nadiskubre ni Erwin Tabuanito, stepfather ni Tagata, ang bangkay ng biktima.

Probinsya

Lalaking nasakote ng pulisya sa pagnanakaw ng avocado, tumakas at nang-hostage ng buntis!

Ayon kay Dr. Manuel Andres, municipal health officer ng Bacarra, pagkakasakal sa lubid ang sanhi ng pagkamatay ni Tagata.

Nabatid sa imbestigasyon na hindi nagkaunawaan ang biktima at ang kasintahan nito, na nasa ibang bansa, na posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ni Tagata.