Ni Bella Gamotea

Nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay magtatapyas ito ng 40 sentimos sa kada litro ng gasolina, at 30 sentimos diesel.

Walang pagbabago sa presyo ng kerosene.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kahalintulad na bawas-presyo sa petrolyo, na bunsod ng pagbaba ng presyuhan a pandaigdigang pamilihan.