Ni Marivic Awitan

NASIGURO ng La Salle ang playoff para sa twice-to-beat advantage ng Final Four nang pataubin ang University of Santo Tomas, 25-23, 25-23, 25-22, nitong Linggo sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

PASUBSOB na kinuha ni Dawn Macandili ng La Salle ang bola para ma-saved, habang nakamasid ang mga kasangga sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament nitong Linggo sa FilOil Flying V Center sa San Juan City. Nagwagi ang Lady Archers. (RIO DELUVIO)

PASUBSOB na kinuha ni Dawn Macandili ng La Salle ang bola para ma-saved, habang nakamasid ang mga kasangga sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament nitong Linggo sa FilOil Flying V Center sa San Juan City. Nagwagi ang Lady Archers. (RIO DELUVIO)

Umusad ang three-peat seeking Lady Spikers sa 10-2, habang tuluyang isinara sa Tigresses ang pintuan para sa semifinal tangan ang 4-9 karta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanguna si Kim Dy sa La Salle sa naiskor na 12 puntos.

“Ang importante ay ’yung result, naka-survive kami ng straight sets, pero medyo close ’yung laro,” pahayag ni La Salle coach Ramil de Jesus.

“‘Yun nga ang mahirap kalabanin, ‘yung nothing to lose. Kasi wala nang pressure so maglalaro lang talaga ‘yun. And ‘yun ang sinasabi ko naman sa mga players, na kailangan paghandaan natin, napaka-importante ng game na ‘to,” aniya.

Kumubra si Sisi Rondina sa UST sa naiskor na 23 puntos at may 11 digs, habang tumipa si Milena Alessandrini ng 10 markers at 10 excellent receptions.

Naputol naman ng National University ang masaklap na five-match skid nang gapiin ang naghahabol ding University of the East, 26-24, 26-24, 25-20.

Tuluyang nakabawi ang Lady Bulldogs, sa pangunguna ni skipper Jaja Santiago na kumubra ng 22 puntos para mahila ang karta ng NU sa 7-6 at masiguro ang playoff para sa No.4 spot.

Kasalukuyang nasa No.4 ang NU sa likod ng semifinalists nang Far Eastern University (8-4), Ateneo (9-4) and La Salle (9-2).

Tangan ng Adamson ang 5-7 karta at tanging koponan na posibleng sumipa sa NU sa Final Four.

“Siyempre masaya ako na unti-unti, nakikita namin na bumabalik na ‘yung teamwork ng team, and ‘yung talagang laro ng bawat isa,” pahayag ni Santiago.

Nag-ambag sina Risa Sato na may 13 puntos at Jasmin Nabor na may 41 excellent sets para sa NU.