Ni Francis T. Wakefield
Hinikayat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga Pilipino na patuloy na ipagdiwang at gunitain ang kabayanihan ng mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nakipaglaban at nagbuwis ng buhay upang mapanatili ang kalayaan ng bansa mula sa mga mananakop na Hapon.
“Let us perpetuate the memory of their deeds to be emulated by future generations of Filipinos. Let us honor those who are still with us for pretty soon they will all be gone,” pahayag ni Lorenzana kaugnay ng pagdiriwang ng bansa ng ‘Araw ng Kagitingan’ kahapon.
Nakibahagi rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pagdiriwang at sumaludo sa mga sundalong nagtanggol sa bansa sa panahon ng digmaan.
“We remember the sacrifices of our veterans, their bravery, and their selfless dedication to the country’s defense. Through their gallantry, we were able to show the determination of Filipinos to stand against overwhelming odds,” pahayag ng AFP.
Kamakailan, inihayag ni Lorenzana ang mga programang nagtataguyod ng kapakanan ng mga beterano ng digmaan nang pangunahan niya ang wreath-laying ceremony sa puntod ng mga ‘di nakilalang sundalo, sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City, bilang bahagi ng selebrasyon ng 2018 Philippine Veterans Week.