Ni Rey Panaligan

Magiging makasaysayan para sa hudikatura ng bansa ang pagharap bukas ng umaga, Abril 10, ni Chief Justice-on leave Maria Lourdes Sereno sa kanyang mga kapwa hukom sa Supreme Court (SC), bilang respondent sa petisyong magdidiskuwalipika sa kanya sa puwesto.

Ibig sabihin, hindi uupo si Sereno sa gitna ng 14 na iba pang mahistrado ng SC, bilang Chief Justice sa mas mataas na bahagi ng session hall gaya ng ginagawa niya simula noong 2012, kundi uupo kahilera ng kanyang mga abogado at ng mga opisyal ng Office of the Solicitor General (OSG), sa pangunguna ni Solicitor General Jose C. Calida, na nagsampa ng kasong quo warranto laban sa kanya.

Dahil naka-indefinite leave si Sereno, si acting Chief Justice Antonio T. Carpio ang mamumuno sa pagdinig, na gagawin sa Baguio City, sa kasagsagan ng tradisyunal na summer sessions ng SC.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

S a pamamagitan ng tagapagsalita niyang si Atty. Josa Deinla, sinabi ni Sereno na dadalo siya sa oral argument bukas, na sisimulan ng 2:00 ng hapon.