Ni Reggee Bonoan

AS of press time ay wala pang update sa pelikulang gagawin ni Kris Aquino sa Star Cinema. Last week, bigla niyang tinanggal ang ipinost niyang poster ng Feng Shui at Sukob, mga pelikulang ginawa niya sa nasabing movie outfit na idinirihe ni Chito Roño at parehong certified box office hit.

Kris

Tinanong namin ang bagong manager ni Kris for non-digital projects na si Erickson Raymundo kung kailan magsisimula ang shooting, “Wala pang final, marami pang inaayos,” sabi sa amin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hirit namin, bagamat dinelete nga ay nag-post si Kris sa social media na tinanggap na niya ang offer at sa katunayan ay nag-like na rin si Darla Sauler at nagsabing, “yey, tuloy na.”

“Habang hindi pa nag-roll, hindi pa tayo sigurado,” sagot ni Erickson.

Oo nga naman, minsan nga nakapag-shoot na ng ilang araw biglang hindi natutuloy dahil sa mga bagay na hindi maiiwasan.

Patungong Osaka, Japan ngayong midweek si Kris para sa endorsement shoot sa mismong factory roon at pagbalik ay saka pa lang malalaman kung ano na ang updates sa lahat ng projects niya.

Post ni Kris nitong Sabado, “We’ll have to wait until my Osaka, Japan endorsement shoot, factory & showroom tour next week followed by Bimb’s quick family vacation birthday celebration (April 19) for the official announcement of HAPPY work related NEWS we prayed for, Kuya Josh is out of town until Monday.”

Pag-uwi ni Kris galing Japan ay hindi uso ang weekend sa kanya dahil naghahabol siya ng webisodes shoot na naiwan niya nang magpunta siya ng Amerika para sa series of check-ups.

Kahapon ay nasa SM Taytay, “I have a webisode shoot for @everbilenaofficial on Sunday @smsupermalls in Taytay.”

At ngayong araw ay, “We’re shooting for @uratexpremium and on Tuesday I have a new endorsement print shoot. Napagod ako sa cooking webisodes, BP is low now 80/60. Bimb is the sweetest, he said he’ll take care of me -- so time for us to sleep, rest, and rejuvenate. I love you for watching KCAP’s uploads & for keeping my good health & my sons in your prayers... #lovelovelove.”