Ni BRIAN YALUNG

DINAGDAGAN ng DLSU Green Archers ang line-up bilang pamasak sa pagkawala ng magkapatid na Prince at Ricci Rivero sa pagkuha kina dating Adamson Soaring Falcon players Tyrus Hill at Kurt Lojera.

admason copy

Ayon sa isang opisyal na tumangging pangalanan, nagsasanay na umano ang dalawa sa kampo ng La Salle, ngunit kailangan pang magkumpleto sa residency requirements bago makalaro sa Taft-based collegiate champion. Makalalaro sina Hill at Lojera sa UAAP Season 82.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kamakailan, usap-usapan ang pag-alis ng dalawa para umano mag-try out sa US NCAA Division I school, ngunit nagbago ang ihip nang hangin at nag-over the bakod na lamang ang dalawa sa La Salle.

Umuusok ang balitaktakan sa social media nang lumabas ang larawan nang dalawa na kasama sa ensayo ng Archers.

Inaasahang mas mabibigyan ng sapat na atensyon at playing time ang dalawa na akma sa istilo ng coaching ni Louie Gonzales.