Mula sa AP

SA wakas ay “free woman” na si Cardi B makaraang opisyal na kumpirmahin ang kanyang pagbubuntis nitong Sabado kasabay ng kanyang stunning Saturday Night Live performance.

Cardi B copy

Sa isang Instagram video na kinunan makaraan niyang kantahin ang Be Careful track, ang 25 taong gulang na rapper -- na ilang linggo nang pinag-uusapang buntis nga – ay napanood na ipinagdiriwang ang kanyang pagbubunyag sa malakas na pagsigaw ng, “I’m finally free!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagsuot ang Grammy-nominated artist ng fitted white dress na kitang-kita ang kanyang baby bump.

Matagal nang usap-usapan na si Cardi B, Belcalis Almanzar ang tunay na pangalan, ay nagdadalantao. Ang kanyang fiance ay ang kapwa rapper na si Offset, ng hip-hop group Migos.

Si Offset, Kiari Kendrell ang tunay na pangalan, ay nag-post naman sa Instagram ng larawan nilang dalawa na may caption na: “Thank you for all of your support. We feel so blessed.” Naging engaged ang couple noon pang Oktubre ng nakaraang taon.

Ang unang album ni Cardi B na inilabas nitong Biyernes, ang Invasion of Privacy ay patungo sa No. 1 Billboard debut.

Ang album ay inilabas sampung buwan makaraang i-release ang kanyang smash hit na Bodak Yellow. Kinanta niya ang nasabing awitin, gayundin ang Bartier Cardi at Be Careful”l sa Saturday Night Live.