Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY – Apat na katao ang nadakip ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa Nueva Ecija kaugnay ng anti-illegal drugs drive nitong Biyernes ng hapon.

Ang unang naaresto ay kinilala ni Senior Supt. Eliseo T. Tanding, Nueva Ecija Police Provincial Office director, na si Adrianne Angeles, dalaga, matapos umanong maaktuhang nagbebenta ng droga sa mga pulis sa Barangay Tagpos, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Arestado rin si Annalea Joson, 39, may asawa, ng Purok 3, Bgy. Bertese, Quezon, Nueva Ecija sa bisa ng arrest warrant sa paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasakote rin ng pulisya si Wilson Nicolas, magsasaka, sa kasong unjust vexation sa bisa ng arrest warrant, gayundin si Jayson Pangan, 39, may asawa, ng Bgy. Campos, Talavera, Nueva Ecija na kinasuhan ng assault noong Hunyo 23, 2011.